Sisid


 Lumiliwanag na buwan

Sa gitna ng kadiliman

Sa kalalim-laliman

Ng malawak na karagatan


Kung nais mong alamin

Kung nais mong tuklasin

Mga sikreto kong damdamin

Ang dulo'y iyong sisirin


 © kittisun kittayacharoenpong / Getty Images


Akala mo ba

Wala kang makikita

Aba, aba

Huwag na huwag kang mabibigla


Pagkat sa pagbuka ng liwayway

Magliliwanag ang iba't ibang kulay

Ng mga isdang buhay na buhay

Sige, abutin mo nga ng 'yong kamay?


Huwag nang mahiya

Binwitin. Lutuin. Kainin.

Ubusin. Simot-simutin.

Hanggang sa wala nang matira, sa aking damdamin



Copyright, Raymond M. Andes.

29 February 2024

All rights reserved

Comments

Popular Posts

Romantic Beige Sand Beaches Near Mayon Volcano

The Farthest Ends of the Philippines

A Surprising Turn in the Yuletide Season

The Polvoron Beaches of Cagraray Island

2024 || Enter the Green Dragon

Our Dancing Queen 👑

Beneath The Placid Tides

My Big Question (Part 4 of My 5-Year Tribute to 'Ina')

Yuletide Sonatas

Point Idyll